LIGTAS na sa bird flu o avian influenza virus ang probinsya ng Bataan.
Sa Memorandum Circular No. 39, series of 2022 na inilabas ng Department of Agriculture (DA) na may petsang Nobyembre 14, 2022, idineklara ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang “Avian influenza freedom of the Province of Bataan.”
Ayon kay Panganiban, idineklarang bird flu free ang Bataan matapos ang joint effort ng local government units, DA Regional Field Office, at Bureau of Animal Industry (BAI) sa pagpapatupad ng epektibong disease control measures gaya ng stamping out, cleaning at disinfection, at iba pang quarantine activities.
Sinabi ni Panganiban na ang huling HPAI H5N1 laboratory detection ay noong Marso 22, 2022.
Marso 2022 nang maapektuhan ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) subtype H5N1 ang Bataan matapos magpositibo sa virus ang isang Backyard Mallard Duck Farm doon.