BINISITA ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang mga sundalo na nakatalaga sa Batanes.
Unang tinungo ni Centino ang Fishermen’s Shelter sa Mavulis Island, ang pinakahilagang isla ng bansa kung saan matatagpuan din ang naval detachment.
Pinangunahan niya ang flag-raising ceremony sa isang sovereignty marker.
Sinundan ito ng pagbisita ng AFP chief sa naval detachment sa Itbayat at sa headquarters ng 10th Marine Company sa Basco.
Nagpalipas ng gabi si Centino at ang senior officers ng AFP General Headquarters at AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) sakay ng BRP Tarlac (LD601).
Ayon kay Centino, ginawa niya ang pagbisita upang personal na masuri ang morale at kapakanan ng mga tauhan at ang kalagayan ng mga pasilidad sa malalayong lugar.