PATULOY pa rin ang pagtanggap ng tulong ng Batanes Island mula sa pamahalaan.
Ito’y matapos bayuhin ng magkakasunod na Bagyong Julian, Kristine, at Leon ang lugar at malaking bahagi ng isla ang naapektuhan.
Sa ilalim ng “Operation “Abot Tulong sa Batanes”, pinangunahan ng Philippine Navy ang paghahatid ng mga ayuda at suplay na kailangan ng mga apektadong residente hindi lang sa Batanes kundi maging sa Babuyan Islands.
Sa pakikipagtulungan ng PAGCOR at Office of Civil Defense, matagumpay na naihatid ang tone-toneladang pagkain, tubig sakay ng BRP Davao del Sur (LD602).
Bukod sa pamahalaan, naglaan din ng tulong ang iba’t ibang pribadong sektor gaya ng dagdag na relief goods, hygiene kits, communication equipment, at electrical posts para sa mabilis na pagbangon ng mga naninirahan sa nasabing mga isla.
Follow SMNI News on Rumble