ISANG sampung taong gulang na batang nadali ng basyo ng missile sa Donetsk, Ukraine ang mapalad na nakaligtas.
Sa patuloy na gyerang nagaganap sa bansang Ukraine, isang bata ang mapalad na nakaligtas sa nakakakilabot na karanasang natamo nito.
Habang papunta ng bangko ay natamaan ang sampung taong gulang na si Kirill kasama ang kanyang lola ng basyo ng missile. Sila ay nakaligtas matapos na agad na makapagtago at madala sa pagamutan.
“I came to withdraw money with my grandmother, and then the shell hit. Some (shell fragments) hit my leg. I found a way to hide, then my grandmother and I went home and called an ambulance. They took me here and did everything,” ayon kay Kirill.
“I was screaming. It was like that. But it wasn’t scary, I just screamed,” saad nito.
Ayon sa opisyal na tagapagsalita ng Russian Ministry of Defense na si Igor Konashenkov, nitong Lunes ay pinasabugan ng isang Tochka-U missile ang sentro ng Donetsk, syudad sa bansang Ukraine.
Naiulat na umabot sa tatlumpu’t anim ang sugatang sibilyan at dalawampu ang patay.
Pinagtatalunan sa ngayon ng bansang Russia at Ukraine ang pinanggalingan ng nasabing missile.