Batangas State University, panalo sa nationwide parol-making contest ng Office of the President

Batangas State University, panalo sa nationwide parol-making contest ng Office of the President

PANALO ang Batangas State University (BSU) sa inilunsad na ‘Isang Bituin, Isang Mithiin’ Parol-Making Contest ng Office of the President sa buong bansa.

Nakuha ng BSU ang P1-M grand prize.

Nakuha naman ng University of Northern Philippines ang pangalawang puwesto at P500-K na cash prize habang ang Bohol Island State University na nakuha sa ikatlong puwesto at P250-K na cash prize.

Bukod sa cash prize, ang tatlong unibersidad na nanalo ay nakakuha rin ng laptop at mobile phone showcase.

Binigyan din ang kani-kanilang mga unibersidad ng photo at video editing packages kasama na ang isang gibabyte G7 gaming laptop na may one-year subscription sa adobe creative cloud.

Makatatanggap din ang mga paaralan ng isang Canon M50 camera, 1 DJI Ronin-SC camera stabilizer 3-axis gimbal, t 1 insta 360 flow AI-powered smartphone stabilizer.

Binigyan naman ng P100-K ang Polytechnic University of the Philippines matapos makuha ang pinakamataas na bilang ng ‘heart reactions’ sa Facebook.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang seremonya kasabay ng pormal na pagbati ng isang Maligayang Pasko sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble