TUTUTUKAN ng Batangas ang kanilang lumalagong turismo at iba pang sektor para mas mapalago ang kanilang lokal na ekonomiya.
Saklaw rito ang commercial fishing, logistics services at information and communications technology ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas.
Sinabi nito na malaki naman ang potensiyal ng kanilang probinsiya dahil makikita rito ang Verde Island Passage, Taal Volcano, at Taal Basilica.
Kamakailan ay nakipagkita na ang probinsiya sa mga representative ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) para talakayin ang pagtatayo ng regional food terminal sa lugar.