Batas laban sa microplastics pollution, isusulong ng European Union

Batas laban sa microplastics pollution, isusulong ng European Union

ISUSULONG ngayon ng European Union ang mas mahigpit na batas laban sa microplastics pollution.

Kasunod ito sa milyun-milyong plastic pellets na nakita sa baybayin ng hilagang-kanlurang rehiyon ng Galicia, Spain.

Ang microplastics ay ginagamit sa paggawa ng water bottles at shopping bags.

Sa pag-aaral, maaaring makapasok sa katawan ng tao ang microplastic pellets at kung ito’y makakain naman ng mga hayop gaya ng mga ibon at pagong ay maaari nila itong ikamatay.

Hakbang na rin ito ng European Union tungo sa pagresolba ng problema sa kalikasan na nagiging sanhi ng climate change.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble