Batas ng Pilipinas vs illegal drugs, kailangang amyendahan – Cong. Gomez

Batas ng Pilipinas vs illegal drugs, kailangang amyendahan – Cong. Gomez

KAILANGANG baguhin ang batas ng Pilipinas hinggil sa ilegal na droga.

Ayon kay Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa panayam ng SMNI News, dapat maayos na mailatag kung ano ang kinokonsiderang high level illegal drug trafficking o street-level lang.

Bilang tugon ito ng congressman sa panukalang pagbubuhay muli ng parusang bitay laban sa illegal drug traffickers.

Kung matatandaan, ipinangangamba na pawang mga mahihirap lang ang mabibiktima ng panukalang death penalty sakaling tuluyang maibalik.

Sa kasalukuyang batas ayon kay Gomez, 5-10 gramo ng ilegal na droga ay kinokonsidera nang high-level, bagay na nais baguhin nito.

Samantala, kung maisasabatas ang death penalty, sinabi ni Gomez na malaking tulong ito na magkaroon ng maayos na hearing para sa isang akusado at mapatunayan o depensahan nila ang kanilang sarili kung totoo man o hindi ang kanilang pagiging drug trafficker.

Sagot ito ng kongresista hinggil naman sa panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas kaugnay sa umano’y nangyayaring extrajudicial killings dahil sa drug war campaign ng Duterte admin.

Follow SMNI NEWS in Twitter