Batayan ng EO 62 ni PBBM, kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos

Batayan ng EO 62 ni PBBM, kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos

ARAW ng Huwebes ay muling inusisa sa Senado ang Exective Order number 62 na nagbababa sa taripa ng imported na bigas.

Mula sa 35 percent noon ay nasa 15 percent na lamang ito ngayon bagay na pinalapalagan ng mga magsasaka.

Ngunit sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture sa pangunguna nina Senadora Cynthia VIllar at Imee Marcos bilang Chair at Vice-Chairperson nang nasabing komite ay lumutang na walang sapat na batayan ang pagbuo ng nasabing kautusan mula sa pangulo.

Ayon kay Commisioner Marissa Paderon ng Tarriff Commsion, nabuo ang EO matapos ang konsultasyon kasama ang ilang grupo magsasaka noong March 20, Sept. 15, Sept 30, at OCT 23 ng taong 2023.

Pero, kinuwestiyon ito ng mga senador dahil sa wala silang makitang diskusyon mula sa transcript ng consultative meeting na nagsasabing kailangan ibaba ang taripa.

‘’Saan galing ang 15%? anong klaseng consultatiive to? biglang sumulpot na lang ang 15% percent reduction,’’ ayon kay Sen, IMee Marcos Vice Chair, Committee on Agriculture.

‘’Let me explain po your madaam Senator,’’ saad ni Comm. Marissa Paderon Tariff commission.

‘’I think its not an explanation thats required at this juncture. I think what is important is that for you cite that part of the transcript where the 15% is recommended or proposed by one of the stakeholders. Can you Identify that portion of the transcript? where that said 15% reduction was proposed?’’ saad ni Sen. Imee Marcos.

‘’There is none in the transcript madam,’’ ayon kay Paderon.

Sa transcript ng mga consultative meeting ay wala ring makita si Marcos na may nagtutulak mula sa mga stakeholders, pribadong kompanya man o magsasaka, na ibaba ang taripa.

Patunay ito aniya na walang nangyaring konsultasyon o hindi kinonsidera ang pananaw ng mula mga stakeholders.

‘’We all considered them madaam Senator. Our report, in our investigation,’’ saad nito.

‘’Yes Comm. Paderon you all considered them but they are not contained in the transcript. We are all confined in the transcript in a public hearing parepareho ang trabaho natin eh. Nasa gobyerno tayo eh, kailangan makonsulta yung stakeholder,’’ saad ni Sen. Imee.

Kahit si Usec. Rosemarie Edillon ng National Economic Development Authority ay hindi rin mabanggit sa kung sino ang nag-suggest na ibaba ang taripa.

‘’Bat ngayon ayaw ninyong sabihin kung sino nag decide? bakit ayaw ninyo panindigan? Para malaman ng tao sino ang nag-decide,’’ ayon kay Sen. Cynthia Villar Chair, Committee on Agriculture.

‘’Napag-utusan lang ba kayo?’’ tanong ni Sen. Imee.

‘’Hindi po. protocol lang po kasi ng NEDA board talaga na lahat ng proceedings yung minutes ay covered ng executive privilege,’’ ayon kay Usec. Rosemarie Edillon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble