Batch codes ng COVID-19 vaccines, mahigpit na mino-monitor ng FDA

Batch codes ng COVID-19 vaccines, mahigpit na mino-monitor ng FDA

SINUSURI ngayon ng Food and Drug Administraton (FDA) ang lot number o batch codes ng mga COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos mapag-alaman na may iligal na nagbebenta ng mga bakuna kontra COVID-19 at ipinupuslit papasok sa bansa ng walang kaukulang dokumento.

Ayon kay FDA Chief, Dr. Eric Domingo, ginagawa nila ang naturang hakbang para matukoy at matiyak na ito ay nanggaling sa suplay ng pamahalaan.

Mababatid na may datos ang FDA sa mga COVID-19 vaccines na kanilang idinedeploy papunta sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

 

Head 2: Clinical trial para sa mix and match ng COVID-19 vaccine sa bansa, hindi mamadaliin— DOH


Samantala, magiging maingat ang Department of Health (DOH) para sa gagawing clinical trial para sa mix and match ng mga COVID-19 vaccines.

Binigyang diin ng DOH na hindi sila magmamadali sa gagawing pag-aaral at ngayon ay inaabangan pa nila ang report ng manufacturers ng mga bakunang ginamit sa pag-aaral.

Sinabi pa ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hinihintay pa ng DOH ang resulta ng malaking pag-aaral ng mix and match na nakatakdang ilabas sa ikatlong bahagi ng taon.

Mababatid na inaprubahan na sa Germany ang pagtuturok ng AstraZeneca at Moderna vaccines bilang una at ikalawang dose.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *