Bawas-presyo sa produktong petrolyo, aasahan ngayong linggo

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, aasahan ngayong linggo

AASAHAN ngayong linggo ang bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Ito’y matapos ang sunud-sunod na linggong oil price hike.

Tinatayang magkakaroon ng bawas-presyo na P0.10-P0.30 sa kada litro ng diesel habang P0.70-P0.90 naman sa kada litro ng gasolina.

Habang P0.20-P0.40 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan namang ianunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price rollback ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter