MAGPAPATUPAD ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis simula ngayong Martes, Nobyembre 19.
Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil, at Caltex, 85 sentimos ang matatapyas sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.
75 sentimos naman sa diesel habang 90 sentimos sa kerosene.
May kaparehong bawas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petrogazz at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo na ang oil price rollback alas-sais kaninang umaga maliban sa Cleanfuel na alas-dose uno ng hatinggabi.