ISA sa napili ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang Barangay Teodoro sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur.
Ang nasabing barangay ay hindi ligtas sa mga basura dulot ng pagtatapon ng mga ng basura lalo pa’t nasa national highway lamang ito matatagpuan.
Kaya minabuti ng SPM volunteers na isagawa ang Kalinisan: Tatag ng Bayan na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Unsa sa lahat Pastor kami nagpapasalamat sa iyong inisyatibo na ginawa ang “Kalinisan: Tatag ng Bayan andito kami kasama ng mga Kingdom Miracle Members ng Agusan del Sur mula sa …..masaya kaming naglilinis sa iyong inisyatibo,” ayon kay Rian Bebat, KOJC Minister.
Lubos naman ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Bunawan kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa aktibidad na ito napili ang kanilang bayan.
“Ito ay para sa LGU Bunawan malaki ang aming pasasalamat sa mga kasamahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na tumulong sa aming mga gawain sa gobyerno ng Bunawan sana hindi lang ito na araw kundi sa susunod pang mga araw Pastor hindi man tayo pareho ng relihiyon pero kaisa mo kami mabuhay ka,” wika Federic Mecaylas-LGU Bunawan.