Bayanihan 2, raratipikahan ng Kamara sa susunod na linggo

Bayanihan 2, raratipikahan ng Kamara sa susunod na linggo

RARATIPIKAHAN na ngayong‪ Lunes (Agosto 24) ang pinal na bersyon ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ayon kay Deputy Speaker Lray Villafuerte, ilang araw din ang ginugol ng Senado at Kamara para maisapinal ang pondo ng Bayanihan 2.

“The House is set to ratify ‪on Monday next week Bayanihan 2, the final version of which  was wrapped up Thursday after three days of marathon sessions by the bicam.” Rep. Lray Villafuerte, Deputy Speaker

 

P165-B ang pondong naaprubahan sa Bicam mula sa P140-B na proposal ng Senado at P162-B naman na proposal ng Kamara.

“In an effort to accommodate all COVID-battered sectors that have sought immediate government assistance in the face of the likely protracted battle with the coronavirus pandemic.” Rep. Lray Villafuerte, Deputy Speaker

 

Aminado naman si Villafuerte na nahirapan silang i-accommodate ang lahat ng pangangailangan ng bawat sektor subalit hanggang sa P165 billion lamang ang kanilang kayang maaprubahan sa ngayon.

“It was difficult and tough to accommodate all the critically impacted sectors with the limited amount we were working on,” he added. “ Rep. Lray Villafuerte, Deputy Speaker

 

Layon din ng Bayanihan 2 na palawigin ang pagbibigay ng tax incentives sa mga healthcare equipment at supplies lalo na’t kailangan na kailangan ito ngayon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ang magdedetermina sa tax incentive.

Inaasahan din na magpapatupad ng temporary suspension ng requirements sa pagkuha ng permit para sa telecommunications at internet infrastructure.

Inaaatasan din nito ang mga electric, water, telecommunications at iba pang primary utilities na magpatupad ng 30-day grace period sa pagbabayad ng bills sa mga ECQ at MECQ areas nang walang interes at penalty.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.