Bayanihan loans dapat gawing direktang ayuda —Senator Marcos

HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na gawing direktang ayuda ang mga hindi nagagamit na stimulus funds sa mga state financial institution upang maayudahan ang mga negosyong matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, nakakaalarma ang prediksyon ng mga international financial institution tulad ng World Trade Organization, World Bank, International Monetary Fund, at Asian Development Bank na posibleng ang Pilipinas ang maging pinakamakupad na makarekober na ekonomiya sa Asya dahil sa kulang na pag-ayuda sa mga negosyo.

Ayon kay Marcos, malulutas ang matamlay na pag-ayuda kung ang bahagi ng naturang badyet para sa mga programang pautang ng gobyerno ay gawing mas direktang tulong tulad ng subsidiya sa sweldo at programang pangtrabaho.

Dagdag ng senador na kailangan i-convert o ilipat ang mga bilyong inilagak sa mga bangko at iba pang financial institutions ng gobyerno para maging ‘ayuda’ mula sa DSWD.

Maaari rin aniya itong ilipat sa DOLE, SSS, at iba pang mga direktang subsidiya para sa pagbangon ng mga MSME.

(BASAHIN: Price freeze dapat ipatupad sa panahon ng MECQ —Sen. Marcos)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.