PATULOY ang pagbibigay ng tulong ng mga kasundaluhan sa mga nasalanta ng Bagyong Karding.
Sa pakikipag-ugnayan ng mga tropa sa mga government responders at mga non-government organization ay naging posible ang layunin ng mga kasundaluhan at pribadong indibidwal na maiparating ang tulong sa mga nangangailangan.
Ang mga tropa mula sa 91st Infantry Battalion (91IB), 7th Infantry Division ay tumulong sa mga pulis at ibang government responders sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Karding sa Barangay Poblacion, Dingalan, Aurora kahapon.
Bukod dito, nakipagtulungan din ang tropa ng 91IB sa pagpapadala ng food packs, multivitamins, at gamot para sa mahigit 1,000 pamilya sa coastal barangay ng Umiray sa Dingalan, Aurora.
BASAHIN: Pinsalang iniwan ni Super Typhoon Karding sa Dingalan sa Aurora,
tinatayang nasa P800-M