Bayanihan spirit ng mga Pilipino ramdam ngayong panahon ng pandemya – Health expert

NARARAMDAMAN ng mga Local health expert sa lalawigan ng Pangasinan ang bayanihan spirit ng mga pilipino ngayong panahon ng pandemya, kaya naman positibo ang mga ito na unti-unti nang babalik ang sigla ng ekonomiya at babalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Positibo ang naging pananaw ng mga Local health expert sa lalawigan ng Pangasinan sa ginagawang Nationwide Vaccination program ng pamahalaan.

Dito sa probinsya ng Pangasinan nakiisa ang mga lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor sa probinsya sa tatlong araw na National Vaccination day na nagsimula kahapon, kabilang na dito ang Lyceum – Northwestern University sa Dagupan City.

Ayon kay Dr. Vivencio Jose Villaflor III President ng Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital, sinabi nito na sapamamagitan ng nagpapatuloy na vaccination rollout sa ibat-ibang parte ng bansa ay maaaring babalik muli ang sigla ng ekonomiya ng Pilipinas at babalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.

Para naman kay Dr. Luz Duque – Hammershasimb University President at Committee head ng Lyceum – Northwestern University target nilang mabakunahan ang 800 – 1,000 indibidwal kada-araw upang makamit ng Pangasinan ang target nito na herd immunity.

Siniguro naman ni Dr. Veronica de Guzman DMOV – DOH CHD – 1 na sapat ang suplay ng bakuna at asahan na ito’y ligtas na gamitin.

Sa huli bilang pagunita ng Bonifacio day ngayon araw, pinasalamatan ni Dr. Villaflor ang mga frontliners dahil sa kabayanihan na ginagawa ng mga ito sa panahon ng pandemya at kung meron mang magandang naidulot ang COVID-19 yun aniya ay lumabas ang bayanihan spirit ng bawat pilipino sa panahon na dapat magkaisa.

SMNI NEWS