Bayanihan to Recover as One Act, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Bayanihan to Recover as One Act, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

PUMASA sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6953 o ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) sa Kamara.

Ang Bayanihan 2 ay supplement measure at ikalawang stimulus package para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, mayroong P162 bilyon na standby fund sa Setyembre na maaaring gamitin hanggang sa Disyembre na mas mataas ito kumpara sa P140 bilyon standby fund ng Senado.

Ilalaan ang halagang ito para sa emergency subsidy sa mga displaced workers, cash-for-work programs, prevention and control para sa COVID-19, support programs para sa mga apektadong sektor at sa agricultural sector.

Narito naman ang mga programa sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

[tie_slideshow]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Gaya ng nagpasong Bayanihan 1, nasa P5,000-P8000 ang ayudang matatanggap ng mga pamilyang apektado ng community quarantine.

Woodprofit

Nauna nang sinabi ni Speaker Cayetano na bibigyan ng  otoridad ang Department of Budget and Management na magre-allocate ng infrastructure funds para sa Bayanihan 2.

“The law will have the funding and some mechanisms, even yung sinabi ko kanina, we will give authority to the DBM to realign and set for infrastructure funds na kailangan na kailangan ng bansa, for testing, for isolation centers and field hospitals, for cure or vaccine if it becomes available, for PPEs and for health workers, but ang pakiusap ko is that the private sector  do their part.” Rep. Alan Peter Cayetano

 

Samantala, inaasahang sa susunod na Linggo ay tuluyan na itong maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.