PASADO na sa third and final reading sa Senado ang Senate Bill No. 1564 o ang Bayanihan to Recover As one Act.
Nakakuha ang panukala ng 22 affirmative votes at isang negative vote mula kay Senator Kiko Pangilinan.
Ayon kay Pangilinan maabuso lamang ang panukala sakaling maging batas ito.
Ang kaniyang pahayag aniya ay kasunod ng mga bagong isyu ng corruption sa Philippine Health Insurance (Philhealth) at pagkukulang ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque sa pamamahala sa ahensya na naging dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero sa mga mambabatas katulad ni Senator Ralph Recto ang pag-delay sa pagpasa nito ay pagpababagal ng ayudang kailangan ng mga Pilipino.
Naniniwala naman si Senator Richard Gordon na sa pamamagitan ng panukala ay maibibigay sa publiko ang de-kalidad na paraan ng pagsusuri ng kalusugan ng tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Iginiit naman ni Senator Grace Poe na ang pagpasa ng panukala ay makatutulong sa transport sector, entertainment industry at para sa digital connectivity na kailangan ng bansa para sa new normal na pamumuhay.
Sa ilalim ng panukala ay mabibigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng additional power para mag-realigned o mag-relocate ng pondo.
Nasa P140-B ang ibinibigay sa pamahalaan para maging standby fund nito para sa COVID-19 response sa pamamagitan ng panukala.
Dito din kukunin ng pamahalaan ang ayuda o pondo para sa recovery plan nito mula sa health crisis.
Ewan ko ba dito kay Sen. kiko ayaw ata ma tulungan ang mga pilipino haystt nakaka disappoint