UMANI ng negatibong mga reaksiyon ang ginawang pagpapa-selfie ni Benjamin Abalos Jr. at Rommel Marbil kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos nilang makuha ito sa Indonesia.
Sa larawang kumalat, si Alice ay naka full smile habang sila Abalos at Marbil ay tila tuwang-tuwa namang nakasama sa picture ang dating mayora na parang isa itong celebrity o artista.
Balewala naman kay Marcos Jr. ang naturang lawaran.
“Ang tawag natin sa Pilipinas, we are the Selfie Capital of the World ‘di ba? Eh ‘di nag-selfie. ‘Di mo naman mapigilan ang tao na ngumiti. So, they just had a selfie. I don’t think- I don’t think there’s much more to it than that,” ani BBM.
Ang mga ahente ng gobyerno, pinagpaliwanag na ng Department of Justice (DOJ) hinggil rito pero hindi umano kontento ang Justice Secretary sa kanilang mga sagot.
Sabi ni Boying Remulla, dapat umano silang humingi ng patawad at mapagalitan,
BBM at Remulla, salungat ang opinyon hinggil sa Alice Guo selfie
“Kailangan may apology naman. Malaking apology ang kailangan d’yan at kailangan d’yan may reprimand talaga. Hindi pupwedeng ganyan lang kasi wanted ‘yan, eh. Mga wanted, hindi mo sine-celebrate ‘yan. Dapat d’yan, pag hinuli mo, hinuli mo. Hindi na tama na ‘yung selfie-selfie na ‘yan. Palitan natin ‘yung kultura na ‘yan. Hindi dapat nangyayari ‘yan,“ saad ni Boying Remulla, Justice Secretary.
Samantala, napagkasunduan na umano ni Remulla at BBM na sibakin na sa pwesto si Bureau of Immigration (BI) Chief Norman Tansingco.
Ayon kay Remulla, inirekomenda niya sa pangulo ang pagpapatalsik dito dahil marami silang naging problema sa BI kabilang na ang mga isyu sa issuance ng working visas sa mga dayuhan.