NORMAL na sa halalan na ang binabakbakan ay ang nangunguna sa karera kaya naman hindi na natitinag si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos (BBM) sa disqualification cases laban sa kanya.
Ito ang naging reaksyon ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos sa panayam ng SMNI News kaugnay sa mga disqualification case na inihain laban sa kanya.
Sinabi pa ni Marcos na nakatutok ang kanilang kampo sa kanilang kaso upang hindi disgrasya ang resulta.
Gayunpaman, sinabi ni Marcos na ang nagbibigay ng lakas sa kanila ay ang tiwala ng mga tao at ang pagtanggap nila sa mensahe ng pagkakaisa.
At dahil sa nakukuhang suporta sa publiko, sinabi ni Marcos na lumilitaw na ngayon kung ano talaga ang pag-iisip ng mga Pilipino sa kabila ng ilang taong paninira ng iba sa pamilya Marcos.
Matatandaan na sa mga election survey na isinasagawa, ang tandem ni Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang palaging nangunguna.