BBM, kumpirmadong dadalo sa SMNI Presidential Debate; intelligent at platform-focused debate, ipinanawagan

BBM, kumpirmadong dadalo sa SMNI Presidential Debate; intelligent at platform-focused debate, ipinanawagan

ALL set na ang inaabangang SMNI Presidential Debate na gaganapin sa Pebrero 15, araw ng Martes.

Una nang tiniyak ni Pastor Apollo C. Quiboloy na magiging platform based ang format ng gagawing serye ng debate.

Ito ang dahilan kung bakit pinili ni presidential candidate Bongbong Marcos na lumahok sa SMNI presidential debate, ang kauna-unahang debate ng mga presidentiable sa 2022 elections sabansa.

Mismong si BBM ang personal na lumagda sa imbitasyon ng SMNI para dumalo sa prestehiyosong event na gaganapin sa Pebrero 15, araw ng Martes, sa pinakamalaking integrated resort sa Pilipinas- ang OKADA Manila.

Ayon kay Atty Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos, hindi takot si Marcos sa harapan ng mga kandidato.

Diin ni Rodriguez, pagod na ang mga Pilipino sa awayan at bangayan.

“Pagod na ang sambayanang Pilipino sa bangayan. Pagod na ang tao sa awayan. Ngayon kung tayo ay maglalagay lang ng forum para lang mag-enjoy makitang nag-aaway si 1, 2, 3, 4, 5 candidates, hindi po kami sasali riyan dahil alam namin ang gustong marinig ng taumbayan ay solusyon  dito sa problemang ating kinakaharap,”pahayag ni Rodriguez.

At kung ganito lamang aniya ang format ng debate ay hindi ito dadaluhan ng kanilang presidential candidate.

“Titingnan namin, kung ang direksyon lamang ay pag-away-awayin ang kandidato, I tell you now, hindi kami sasali dahil nirerespeto namin ang sentimyento ng sambayanang Pilipino,” ani Rodriguez.

Matatandaan na lumikha ng ingay ang pagliban ni BBM sa mga presidential forum ng ilang malalaking media networks.

Para naman sa political analyst nasi Prof Clarita Carlos, mahalaga na magkaroon ng platform based format ng debate sa mga tumatakbo sa pagka-presidente.

“Yeah I think the days are long past becoming cute, strangely the trees with ribbons, motorcades and all of these outward manifestations of our political choices. Now is time to sit down and really talk seriously about the challenges confronting our country. And how the political leadership must be prepared to confront these challenges will meet them. You cannot have these candidates giving you a long-long enumeration of things they want to do or aspired to do. Because the list if you will notice, they are not related to each other. It does not put together all these things so that you have a whole national strategy. It’s just a list,” pahayag ni Carlos.

Para kay Carlos, ang usapin sa climate change, reporma sa health system at reporma sa education system ang mga pinakadapat maipaliwanag ng bawat kandidato.

At para sa isang seryosong kandidato na naghahangad na mapaunlad ang bansa, kailangan anya itong tumugon sa mga paanyaya ng debate.

Lalo na kung ang format ay platform based at hindi personality based.

“To some public it will not matter, particularly if they have not decided on one candidate. To some other public, to me, it will matter because if you will not participate in this deep and broad discussions of what you will do when you become chief executive of our country that means that either you have it between your ears or you just want to be a primadonna,” ani Carlos.

Asahan rin ang pagdalo ng iba pang mga presidentiable sa pinakaunang live face-off ng mga ito.

Nauna nang ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng pagdalo ng mga kandidato sa pagka-presidente.

“Kung iiwas ka, siguro dahil mataas na ‘yung numbers ko, hindi ko na kailangan sagutin ‘yan, o hindi ko na kailangan mag-appear dito, lugi ‘yung taumbayan. Lugi ‘yung taumbayan kasi hindi siya nagkakaroon ng opportunity to confront,” ayon kay Robredo.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni na ngayon ay tumatakbo sa pagka-presidente, hindi karapat-dapat na maging pangulo ang isang kandidato na umiiwas sa debate.

“Ako, I hope that more of our voters more of our fellow Filipinos realize that the debates, the interviews, the forums na dito sa eleksyon are there para makilala natin kung ano yung totoong pagkatao ng ating mga kandidato. At ang isang kandidato na iwas nang iwas ang gusto lang yung pabor sa kanya ay isang tao na hindi natin mapagkakatiwalaan din para maging pangulo,”  pahayag ni Gutierrez.

Pati si Senator Ping Lacson, Nobyembre pa lamang ng 2021 ay nagpahayag na ng kahandaang dumalo sa mga presidential debate.

Lalong-lalo na ayon kay Lacson yaong mga hindi inaasahang tanong na susuri sa kahandaan ng isang kandidato sa bawat problema ng kanyang kahaharapin.

“Ready ako kasi nag-aral kami ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III. Alam namin ang problema, pinag-aralan namin ang solutions. We are ready to face any forum or any candidate for that matter to present our platform and plans,” ani Lacson.

Nagpahayag din si Carlos sa dapat  na asahan ng taumbayan para sa darating na SMNI presidential debate.

“We will not ask questions about anong ipe-press mo na butones sa electric fan. We will ask questions which have implications for our domestic foreign lives. Di ba? Foreign policies yan ang tatanungin nating questions,” ayon pa kay Carlos.

 

Follow SMNI News on Twitter