MAINIT ang pagtanggap ng mga miyembro ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr. bilang panauhing pandangal sa anibersaryo ng Labor Day ngayong araw.
Ginanap ang nasabing pag-uusap sa tanggapan ng TUCP main office sa Quezon City.
Nagkaroon ng diyalogo si BBM at mga miyembro ng TUCP para matalakay at mabigyan pansin ang mga problema ng mga manggagawang Pilipino na hindi nabigyan ng kaukulang solusyon at suporta ng mga nagdaang liderato.
Tiniyak ni BBM na marinig at mabigyang-pansin ang mga problema ng mga manggagawang Pilipino.
Samantala, itinayo ang TUCP noong panahon ng yumaong ama ni Bongbong Marcos Jr. na siyang nagbigay pansin sa mga manggagawa noong taong 1975 sa pangunguna ni Labor leader Democrito Mendoza.
Bilang tugon din ito sa pagtaas ng demand ng mga manggagawa sa local at international na larangan ng paggawa, at para mas mapataas pa ang kalidad ng serbisyo ng mga manggagawang Pinoy.