MAS pinili ni presidential candidate at former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (BBM) na sagutin ang mga hinaing at katanungan ng mga taumbayan sa Marikina Riverbanks kaysa paglahok sa debate ng Commission on Elections (COMELEC).
Kabilang sa mga nagtanong na mga grupo sa Townhall Meeting ay mula sa LGBTQ community, transport groups, youth organizations at iba pa.
Sinagot nang tahasan ni BBM ang mga tanong tungkol sa mga issue ng fake news, anti-discrimination, ekonomiya, pagpapababa ng presyo ng langis, oil subsidy, pagtulong sa single mothers, education, PhilHealth, pagtulong sa senior citizens, pagsasanay para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at iba pa.
Samantala, ang batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo ang naging moderator sa nasabing pagpupulong.
Bukod pa rito, nakatutok din ang Sonshine Media Network International (SMNI) simula pa lang ng campaign rally ng UniTeam hanggang matapos.