BBM, may nagawang impeachable offense—Economic Risk Consultant

BBM, may nagawang impeachable offense—Economic Risk Consultant

INIHAYAG ni Prof. Mario Ferdinand Pasion, may nagawang impeachable offense si PBBM ngunit ‘di ito pinag-uusapan ng mga mambabatas dahil para kay Atty. Salvador Panelo kontrolado nito ang Kongreso.

Halos araw-araw laman ng mga balita ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Impeachment na nakaangkla sa mga personal na interes, galit at kagustuhang makapaghigante ng mga makakaliwang rebeldeng grupo at politikong nasagasaan ng nagdaang administrasyon.

Ang impeachment na ito laban sa ikalawang pangulo ay ikinagalit ng milyun-milyong bumoto sa kaniya noong nakaraang eleksiyon kaya naging mitsa ito ng kaliwa’t kanang rally ng mga supporter ng pamilyang Duterte sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Lahat ng kaalyado ng kasalukuyang administrasyon ay naging maingay sa pagbibigay ng kanilang mga opinyon na nakatutok lamang sa vice president ng bansa.

Ngunit para sa isang geopolitical and economic risk consultant na si Professor Mario Ferdinand Pasion, mismong ang pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos Jr. ay mayroong nagawang impeachable offense na hindi tinatalakay ng mga mambabatas.

Sa isang forum, sinabi ni Professor Pasion na nilabag ni BBM ang mga nakasaad sa Konstitusyon sa pamamagitan ng pagpasok ng mga Amerikano at paglalagay ng missile system nila dito sa Pilipinas.

“Section 2 of Article II of the Article on the Declaration of Principles and State Policies under the Sub-Article on “Principles” – The Philippines renounces war as an instrument of national policy, adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom, cooperation, and amity with all nations.”

“Section 8 of the above Article under the Sub-Article on “State Policies” – “The Philippines, consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of freedom from nuclear weapons in its territory.”

“And finally, on Section 25 of Article XVIII on the “Transitory Provisions” – “After the expiration in 1991 of the Agreement between the Republic of the Philippines and the United States of America concerning Military Bases, foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines,” pahayag ni Pro. Mario Ferdinand Pasion, Geopolitical and Economic Risk Consultant.

Binigyang-diin nito na ang ginawa ngayon ng administrasyon kasama ang bansang Amerika ay isang impeachable offense.

“This is an impeachable offense culpable violation of the Constitution by betrayal of public trust napakabigat po kasi ‘yong impeachable po ‘yon lang pong high crimes … hindi po impeachable ‘yan pero ang culpable violation of the Constitution at high crime of betrayal of public trust eh ‘yan po impeachable talaga walang kaduda-duda kaya Mr. Bongbong Marcos kung ayaw mong ma-impeach ay dapat po magkaroon ng new treaty hindi before 1991 dapat after 1991,” ani Pasion

BBM, malabong ma-impeach kahit malinaw na nilabag ang batas—Atty Panelo

Para naman sa dating chief presidential legal counsel ng nakaraang administrasyon na si Atty. Salvador Panelo, kahit na malinaw na impeachable ang ginawa ni Marcos Jr. ay hindi ito lulusot o pag-uusapan dahil kontrolado nito ang Kongreso.

“’Yong impeachable process against the president kalimutan nila ‘yon, wala ‘yon, kasi kontrolado niya ang Kongreso eh, ang impeachment is a political numbers game,” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Legal Counsel.

Paliwanag nito na kaya nakalusot ang impeachment laban kay VP Sara ay dahil nagtulong-tulong ang lahat ng kaalyado ni BBM.

“Kaya nga nakalusot ‘yong impeachment complaints dalawa pa ha laban kay VP Sara kasi nga ang nagpapakulo niyan ay kaalyado ng may hawak ng kapangyarihan ngayon eh papaano pa-filean ‘yan eh dismiss ‘yan hindi makakapasok ‘yan kahit na sa ilalim ng Saligang Batas ‘yan ay labag,” dagdag ni Panelo.

Sa huli sinabi ni Professor Herman “Ka-Mentong” Laurel presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies na sa susunod na taon ay kanilang paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa ginagawang alyansa ni BBM at ng Amerika na wala naman umanong magandang naidulot sa pamumuhay ng mga Pilipino.

“In connection with that to announce that ‘yong year 2025 The Asian Century Philippines Strategic Institute will be focusing on the elimination of the US bases efforts to eliminate the remove of US bases and the Typhon Missile,” wika ni Pro. Herman “Ka-Mentong” Laurel, President, Asian Century Philippines Strategic Studies.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter