NAKUHA na ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suporta ng gobernador ng Sultan Kudarat na si Suharto Mangudadatu.
Sa grand rally ng UniTeam, ipinakilala mismo ng gobernador si Marcos Jr. sa Sultan Kudarat bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.
Ang Sultan Kudarat ang isa sa mga probinsyang binisita sa Mindanao nila Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Bukod sa Sultan Kudarat, binisita rin ng UniTeam ang North Cotabato at Maguindanao.
Base sa datos ng Commission on Elections, mayroong 818,790 na rehistradong botante ang Maguindanao, habang ang Sultan Kudarat ay mayroong 497,690.
Samantala mayroong 975,541 na botante naman ang nakalista sa South Cotabato at 771,206 sa North Cotabato.