PRAYORIDAD ni presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng kanyang programa para makaahon ang bansa mula sa pandemya, sakaling manalo sa halalan ngayong Mayo 9.
Nagpahayag din si BBM na gawing priority bill ang Security of Tenure Act na naglalayong mag-amyenda sa labor code para ma-protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa.
Suportado rin niya ang paglikha ng hiwalay na departamento para sa mga migrant workers.
Iginiit din ni Marcos na prayoridad pa rin niya ang pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa para masigurong makababalik at makaaahon ang bansa mula sa pinsala ng pandemya.