KAILANGAN munang mag-comply sa mga violation bago pag-usapan ang prangkisa ito’y ayon kay Presidential Aspirant Bongbong Marcos Jr. sa ABS-CBN Franchise.
Nauna nang sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na wala nang urgency para talakayin pa ang franchise renewal ng network.
Ayon naman kay BBM kung siya ang tatanungin, dapat mag-comply muna sa findings ng kamara ang ABS-CBN bago bigyan ng bagong prangkisa.
“Their political stand is not really and issue here. What is an issue here is their compliance to some of the laws and regulations that they were found to be in violation of. Ayusin nila yun then ipahear natin sa franchise committee uli,”ayon kay BBM.