BBM-Sara supporters, nagsagawa ng caravan sa Boracay

BBM-Sara supporters, nagsagawa ng caravan sa Boracay

NAGPAKITA ng lakas ng suporta ang dalawang grupo sa probinsiya ng Aklan partikular na sa Boracay sa kung sino ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente.

Umaga palang nagtipon-tipon na sa kahabaan ng Boracay Island ang daan-daang miyembro ng dalawang support group ng BBM-Sara tandem.

Isang caravan serye ang pinangunahan ng dalawang grupo para ipakita ang kanilang taos-pusong pagsuporta sa nangungunang tambalan ngayong eleksiyon na sina dating Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte o BBM-Sara tandem.

Ayon naman kay Tomy Jano, municipal coordinator ng MPR-Malay, Aklan, wala silang pinagsisisihan sa kanilang boto para kina BBM at Sara bagkus malaki ang tiwala nila na mayroon pang susunod na pagbabago sa ilalim ng magiging liderato nito bilang susunod na pangulo ng bansa.

Giit nila, hindi totoo na hawak o balwarte ng kampo ni Leni Robredo ang Panay Island kasama na ang Boracay, dahil anila, malakas ang kanilang sigaw at pagsuporta para kina BBM at Inday Sara.

Samantala, bahagyang kumulay ang karagatan ng Boracay nang ilayag ng BBM-Sara supporter ang paraw o bangka na may nakapintang BBM-Sara sa kani-kanilang mga paraw.

Follow SMNI News on Twitter