BBM-Sara supporters, nagsagawa ng caravan sa Las Vegas, Nevada

BBM-Sara supporters, nagsagawa ng caravan sa Las Vegas, Nevada

NAGKAISA ang ating mga kababayan sa syudad ng Las Vegas, Nevada sa Amerika upang ipakita ang suporta sa BBM-Sara tandem bilang kandidato sa pagka presidente at bise presidente.

Sa unang pagkakataon, pinaabot ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang lugar mula sa estado ng Nevada ang todo at malakihang suporta para sa BBM-Sara tandem na may layuning maibalik ang mga Marcoses sa Malakanyang.

Nagsagawa ng malakihang caravan ang mga Pilipino sa Las Vegas upang magpakita ng suporta para sa BBM-Sara tandem.

Nagtipon ang mga kababayan natin suot ang pula at berdeng mga damit, hawak ang watawat ng Pilipinas habang buong siglang sinisigaw ang BBM-Sara tandem.

Sakay sa kanilang mga sasakyan, buong galak silang nagbigay ng suporta kay BBM at Sara Duterte sa kanilang caravan sa gitna ng matinding hangin at init sa Las Vegas.

Anila, umpisa pa lamang ito ng malawakang kampanya na gagawin ng UniTeam sa iba’t ibang parte ng Amerika lalo na’t papalapit na ang ekeyon ngayong Mayo.

Ang Las Vegas ang isa sa pinaka malaking konsentrasyon ng mga Pilipino sa Amerika na aabot sa humigit isang milyon kung isusuma total sa buong estado ng Nevada.

Follow SMNI NEWS in Twitter