BBM-Sara tandem, muling nanguna sa pinakahuling survey ng OCTA Research

BBM-Sara tandem, muling nanguna sa pinakahuling survey ng OCTA Research

MULING nakuha ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang pinakamataas na rating sa pinakahuling OCTA Research survey.

Sa presidential, nakakuha si Marcos ng 55%.

Malaki naman ang agwat ng pumangalawa na si VP Leni Robredo na may 15%, pangatlo si Isko Moreno na may 11%, Manny Pacquiao na may 10% at 3% naman ang nakuha ni Sen. Ping Lacson.

Nasa 7% naman ang undecided o wala pang napipiling iboboto sa susunod na eleksyon.

Samantala, sa vice presidential survey ng OCTA Research ay numero uno pa rin na gustong maging pangalawang pangulo si Mayor Sara na nakakuha ng 43%.

Tumaas naman si Sen. Vicente “Tito” Sotto na nakakuha ng 33%.

Pangatlo si Kiko Pangilinan na may 10%, pang-apat si Doc Willie ong na may 7% sumunod si Lito Atienza, Carlos Serapio, Walden Bello, Rizalito David at Manny SD Lopez.

Ang OCTA Research Survey ay may 1,200 indibidwal respondents na ginawa mula Pebrero 12 hanggang 17 ngayong taon.

Follow SMNI News on Twitter