BBM-Sara tandem, nangunguna sa April 2022 survey ng Publicus Asia

BBM-Sara tandem, nangunguna sa April 2022 survey ng Publicus Asia

NANANATILING nangunguna si Bongbong Marcos sa presidential race na may 56% batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Publicus Asia.

Malayong malayo ito sa pumapangalawa na si VP Leni Robredo na may 23%.

Nakakuha naman ng 9% si Mayor Isko Moreno, 4% ang kay Senator Ping Lacson at 2% naman ang kay Senator Manny Pacquiao.

Sa pagka vice president naman ay patuloy na namamayagpag si Mayor Inday Sara Duterte na may 58%.

Malayong-malayo ito sa pumapangalawa na si Senator Kiko Pangilinan na may 15%, 11% naman ang nakuha ni Senate President Tito Sotto, at 9% si Doc Willie Ong.

Inilarawan naman ni Aureli Sinsuat, ang executive director ng Publicus Asia na magiging boring ang halalan ngayong taon sa pagka-presidente at bise presidente kung pagbabatayan ang resulta ng survey.

Aniya mas exciting pa ang magiging halalan sa pagka senador dahil sa hindi nagpapatalo ang mga luma at kasalukuyang senador at mga baguhan.

Samantala, nalalabuan na rin si Sinsuat na makahabol pa si VP Leni Robredo sa ratings sa natitirang isang buwan bago ang araw ng halalan.

Ayon kay Sinsuat, isang milagro ang kailangan ni VP Robredo para manalo sa presidential race.

Ginawa ang survey ng Publicus Asia noong Marso 30 hanggang Abril 6 sa may 1,500 respondents.

BASAHIN: Kampo ni BBM, target ang 70% na boto sa mga pre-election survey

Follow SMNI News on Twitter