MAS tumaas pa ang survey rating nina presidential candidate Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte para sa presidential at VP race.
Batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia na ginawa nitong Abril 19-21, 2022, muling nanguna at mas tumaas pa ang survey ratings ng dalawa.
Nakakuha si BBM ng 57% na voter preference mula sa 1,500 na respondents.
Malayo naman ang agwat ni VP Leni Robredo na siyang pumangalawa kung saan meron lamang itong 21%.
Sumunod si Mayor Isko Moreno, Ping Lacson, Manny Pacquiao at Ernesto Abella.
Samantala, batay naman sa VP race survey, malayong malayo ang agwat ni Mayor Inday sa mga kalaban nito na nakakuha ng 59%.
Ayon sa pahayag, ito ang pinakamataas na survey rating na naitala nila kay Inday Sara sa buong panahon ng eleksiyon.
Habang 15% naman ang pumapangalawa na si Kiko Pangilinan.
Sumunod si Tito Sotto, Dr. Willie Ong at Lito Atienza.
BASAHIN: BBM-Sara tandem, nangunguna sa April 2022 survey ng Publicus Asia