BBM-Sara UniTeam Grand Rally sa Maynila, tuloy na tuloy na – Atty. Alex Lopez

BBM-Sara UniTeam Grand Rally sa Maynila, tuloy na tuloy na – Atty. Alex Lopez

KINUMPIRMA ni Manila City mayoralty candidate Atty. Alex Lopez na tuloy na tuloy na ang isasagawang BBMSara UniTeam Grand Rally sa Lungsod ng Maynila ngayong darating na Sabado, Abril 23.

Ayon nga kay Lopez, tinatayang nasa 50-60K ang kapasidad ng venue.

Sa isang press conference na ginawa ngayong hapon ay kinumpirma ni Lopez na ang pagbabalik ni Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara sa lungsod ng Maynila sa darating na Sabado ay gaganapin ng 3:00 ng hapon na isasagawa sa Bustillos St., Earnshaw St, Sampaloc, Maynila.

Sina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani ang magiging host ng naturang programa.

May mga ilang performers din ang pupunta gaya ng Plethora Bands, X Batallion, Hale at iba pa.

Aminado si Lopez na naging pahirapan ang pagbibigay ng permit ng Manila City Government para sa naturang Grand Rally.

Kung matatandaan nitong Pebrero 20, naging mainit ang pagtanggap ng mga Manilenyo sa unang pagbisita ng BBMSara tandem sa Lungsod ng Maynila.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Lopez sa lahat ng mga Manilenyong bumoto sa kanya sa lahat ng mga naglabasang surveys kung saan siya ang nanguna rito.

Naging usap-usapan si Lopez sa iba’t ibang sektor ng lungsod sa mga ginawa nitong pagpuna sa mga katiwalian umano at maling pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.

Gaya ng isyu ng pagbebenta ng Divisoria Public Market kung saan humingi ng tulong kay Lopez ang mga vendors upang mapawalang bisa ang nasabing bentahan.

At ang pagbebenta ng iba’t iba pang property na pag-aari mismo sa lungsod.

Kinukuwestyon din nin Lopez na overpriced  umano ang food packs na dini-distribute sa pamilyang Manilenyo.

Lumalabas kasi P825.00/pack umano ang presyo na inilabas ng Manila LGU pero napag-alaman na nasa P460 ang retail price na mas mura pa dito kung wholesale ang pagbili sa mga pagkain.