BBM, tutol na tanggalin ang excise tax

BBM, tutol na tanggalin ang excise tax

IPINAPANUKALA ni presidential candidate Bongbong Marcos na muling magkaroon ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ang bansa.

Bilang long-term solution aniya ito para matulungan ang mga konsumidor sa isyung tumataas na presyo ng langis ngayon.

Tugon ito ni BBM matapos sinabi nyang hindi siya payag na tanggalin ang excise tax sa langis dahil mawawalan ang gobyerno ng P117-B sa bawat taon na hindi ito ipinapatupad.

Mas maganda na lang aniya na magkaroon ng oil subsidy kung saan ang pamahalaan ang magbabayad ng bahagi ng presyo ng langis.

Hindi naman nito sinabi kung magkano ang magiging halaga ng oil subsidy.

Noong 1970s, sa panahon ng ama nitong si Ferdinand Marcos Sr., unang naitatag ang OPSF dahil na rin sa pandaigdigang oil crisis sa yugtong ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter