NAGTIPON-TIPON ang ilang miyembro ng BBM Youth Movement sa Oroquieta City para maipakita ang kanilang buong suporta sa kandidatura sa pagkapangulo ni Bongbong Marcos at sa pagkabise presidente ni Mayor “Inday” Sara Duterte.
Ayon sa mga organizer, layunin ng event na maipadama ng UniTeam supporters ang kanilang suporta at pag-endorso sa Marcos-Duterte tandem ngayong 2022 elections.
Boluntaryo ring sumali sa event ang ilang talented artists para makiisa sa naturang pagtitipon.
Nagbigay naman ng mensahe ang ilang BBM-Sara supporters sa Marcos-Duterte tandem 2022.
Ayon sa BBM-Sara Youth Movement, sa ganitong mga pagtitipon ay naipakikita at naipadadama nila ang buong suporta sa UniTeam at hindi anila sila mahihiyang ipagmalaki ito at taas noo kahit kanino.