Bea Alonzo at Dominic Roque, ang tunay na relasyon

SA isang interview kay G3 San Diego ng Mega Entertainment, kinumpirma ng aktres na sila nga ay  nagkakamabutihan.

Dominic Roque at Bea Alonzo
Dominic Roque at Bea Alonzo

Tinanong naman ang aktres kung eksklusibo ba ang kanilang pagkikita.

“No. Wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating”, sagot ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na hindi pa niya alam kung ano ang patutunguhan nila at may takot din siyang magkamali ulit.

“Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else but then, what if I fail again? I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing,” pahayag ni Bea.

Hindi naman sarado ang pintuan ng puso ng aktres at handa niyang buksan ito kahit pa maingat na siyang umibig muli.

Pinili ng aktres na hindi maging “prisoner of my past” at bukas sa marami pang posibilidad.

“I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody, but I would like to say that I am open to being happy whether it’s romantically or in that aspect, romance or work. I am very open as you can see di ba I am opening so many doors so I am open to a lot of possibilities,” sabi ng aktres.

Bea Alonzo
Bea Alonzo, Aktres

Sa ngayon ay masaya ang aktres pero hindi pa ito sigurado kung siya ay umiibig na.

“Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga. And to be honest, akala ko at 33, I would be married, but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about the person, doon na ako mag-sha-share kasi parang nahihiya din ako to let everyone know that I’m with somebody again, iba-iba rin tayo ng timeline. And maybe I will also get there, but maybe not soon.”

Marami naman sa mga fans ng aktres ang patuloy na sumusubaybay sa kanila ni Dominic.

Dahil base umano sa kanilang social media post ay lumabas ang dalawa simula noong Enero at naniniwala ang mga fans nito na magkasama rin sila sa Amanpulo noong Pebrero.

Hindi rin maikakaila ang paghanga ni Dominic sa aktres, lalo pa’t ilang beses na ring nagpo- post ang aktor ng mga litrato ng aktres nito sa kanyang Instagram.

SMNI NEWS