Beach party sa Cebu na dinaluhan ng ilang pulitiko, pinaiimbestigahan na

Beach party sa Cebu na dinaluhan ng ilang pulitiko, pinaiimbestigahan na

NAKARATING kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang ulat na beach party sa Camotes Island sa Cebu noong isang buwan na dinaluhan pa umano ng ilang pulitiko.

Dahil dito ay muling ipinaalala sa publiko ang mahigpit na pagsunod sa minimum health standards lalo’t ipinagbabawal ang mass gatherings o iba pang okasyon.

Base sa uploaded video ng naturang beach party mula sa isang hindi nagpakilalang complainant, kita na mistulang binabalewala ng mga dumalo ang minimum public health safety standards at quarantine protocols.

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya ang Cebu Provincial Police Office na imbestigahan ang nakalap na ebidensya at makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) kaugnay ng insidente.

Hinikayat naman ng PNP chief ang publiko na ipagpatuloy ang pag-uulat sa mga awtoridad ng mga lumalabag sa umiiral na health protocols.

 SMNI NEWS