TUTUTUKAN na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang beauty industry sa bansa.
Sa pahayag ni DTI Acting Sec. Cristine Roque, marami ang micro, small at medium enterprises (MSMEs) ang nasa naturang industriya na dapat ding suportahan.
Malaki-laki rin ang ambag nito sa ekonomiya dahil halos $4-B ang kita nila bawat taon batay sa ulat ng Chamber of Cosmetics Industry of the Philippines (CCIP) noong taong 2022.
Sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng trade fairs para sa mga kompanya na nasa beauty business.