Beauty product maker, nais ipa-blacklist ni PBA Party-List Representative Jericho Nograles

Beauty product maker, nais ipa-blacklist ni PBA Party-List Representative Jericho Nograles

NAIS ipa-blacklist ni PBA Party-List Representative Jericho Nograles ang isang beauty product maker.

Ito ay matapos i-label ng manufacturer ng Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair ang Maynila bilang probinsya ng China sa kanilang address sa Binondo.

Sa sulat na ipinadala ni Nograles sa Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA), nanawagan ito na ipagbawal ang pagbebenta at distribusyon ng nasabing produkto sa Pilipinas.

Para sa mambabatas, posibleng sinadya ang paglalagay sa naturang label.

Dagdag pa ni Nograles, dapat maimbestigahan rin ang insidente.

Ang Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair ay dini-distribute ng elegant fumes beauty products, isang Binondo-based na kompanya at pag-aari ng isang Chinese national.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.