IPINAGDIWANG ng actress na si Jodi Sta. Maria ang kaniyang birthday kasama ang isang foundation na tumutulong sa mga kabataang may cancer at iba pang chronic illnesses.
Bagama’t buwan ng Hunyo ang orihinal na kaarawan nito, sinabi ni Jodi na wala aniya siya sa Pilipinas sa panahong iyon kung kaya’t medyo late na ang pagdiriwang nito kasama ang Kythe Foundation na tinutulungan niya na simula taong 2017.
Sa party na isinagawa noong Setyembre 2 sa Quezon City ay umabot sa 70 mga kabataan ang dumalo.
Samantala, mayroong panibagong project na pinaghahandaan si Jodi maliban sa Season 2 ng “Unbreak My Heart” subalit hindi pa aniya siya pwedeng magbigay ng detalye hinggil dito.