NABABAHALA ang dating chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at senatorial candidate Greco Belgica sa muling pagbabalik ng illegal drug problem sa bansa kung matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay dahil walang senatorial candidate na tumututok sa drug problem ng bansa.
Ito ang mga pahayag ni Greco sa one on one interview nito kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Magugunitang, nakilala si Belgica sa kanyang laban sa katiwalian sa bansa gaya ng smuggling, priority development assistance fund at pagpapatalsik ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno.
Naninindigan naman si Belgica na kailangang may isang senador na matapang gaya ni Pangulong Duterte.
Naniniwala rin si Belgica na siya ay matapang at siga para sa tama na namana niya sa kanyang ama.
Aniya, handa niyang ibuwis ang kanyang buhay para labanan ang katiwalian at iligal na droga sa bansa.
BASAHIN: Illegal drugs mas malaking problema kesa sa korupsiyon — Pastor Apollo