TINATARGET ngayon ng mga pag-atake ng Ukraine ang Belgorod Region sa Russia.
Sa pag-aaral, posibleng dahilan nito ay ang lokasyon ng rehiyon kung saan border ito sa pagitan ng Northeastern Ukraine.
Nasa 1.5-M ang populasyon ng rehiyon at ang nasa 40% ng iron ore at iba pang mineral ng Russia ay matatagpuan dito.
Matatagpuan din dito ang pitong major industrial companies at farms.
Kaugnay rito, sinabi ni Russian President Vladimir Putin na hindi palalagpasin ng kanilang mga bansa ang sunud-sunod na pag-atakeng ito ng Ukraine.