Bella Belen at Jema Galanza, maglalaro para sa Alas Pilipinas ngayong Huwebes

Bella Belen at Jema Galanza, maglalaro para sa Alas Pilipinas ngayong Huwebes

PRESENT sina Bella Belen at Jema Galanza sa magiging laban ng Alas Pilipinas Women sa Asian Volleyball Confederation o AVC Challenger Cup ngayong Huwebes, July 04.

Sila na ang magiging reinforcement ng national team matapos hindi na papayagan ng Cherry Tiggo sina Eya Laure at Jen Nierva na maglaro para sa Alas bilang paghahanda sa nalalapit rin na PVL reinforced.

Sa ngayon, inamin ni Coach Jorge Souza De Brito na aayusin nila ang magiging line up ng national team dahil nga sa muling pagbabalik ng PVL at patuloy na mga laban ng Alas.

Wala naman aniyang dapat ikabahala dahil marami pang natitirang talent ang national team gaya nina Faith Nisperos, Arah Panique, at Angel Canino.

Nasa team parin sina Fifi Sharma, Dell Palomata, Thea Gagate, Julia Coronel, Vanie Gandler, Sisi Rondina at Jia De Guzman.

Ang AVC Challenger Cup ay gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium at makakalaban nila dito ang bansang Vietnam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble