Bella Belen, maglalaro pa rin sa National University ngayong UAAP Season 87

Bella Belen, maglalaro pa rin sa National University ngayong UAAP Season 87

MANANATILING maglalaro para sa National University ang volleyball player na si Bella Belen.

Target niya ang manalo ang N.U. sa nalalapit na UAAP Season 87 upang makuha ang kanilang ikalawang championship title.

Ito na rin ang dahilan kung bakit mapapansing wala sa 2024 Premier Volleyball League rookie draft si Belen ngunit andun sina Julia Coronel, Thea Gagate at Roma Doromal.

Samantala, maliban sa kaniyang paglalaro para sa N.U, nasa lineup ng Alas Pilipinas National Team si Belen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble