Ben&Ben sisimulan na ang kanilang tour sa Pilipinas

Ben&Ben sisimulan na ang kanilang tour sa Pilipinas

LILIPAD na ang saranggola ng Ben&Ben sa Pilipinas. Ang Philippine leg ng “The Traveller Across Dimensions Concert” ay magki-kick-off ngayong May 24, 2025 sa Queen City of the South—Cebu.

Sa kanilang official post sa Facebook, dumating na ang grupo sa Cebu para sa preparasyon ng kanilang concert na gaganapin sa Pacific Ballroom, Waterfront Cebu City Hotel & Casino.

Next stop nila ang Bacolod sa Hunyo 8 sa University of St. La Salle, at pakikiligin naman nila ang mga Dabawenyo sa Hunyo 22, 2025 sa SMX Convention Center, Davao City.

On the way to United States naman sila ngayong Hulyo 12, at Disyembre 14 naman sa Singapore.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble