Benefit package ng PhilHealth para sa mga may sakit sa puso, tinaasan na

Benefit package ng PhilHealth para sa mga may sakit sa puso, tinaasan na

TINAASAN ng PhilHealth ang kanilang benefit package para sa mga may acute myocardial infarction o heart attack.

Ang nooy 12 thousand pesos para sa fibrinolysis, isang emergency treatment upang matunaw ang blood clots ay nasa 123 thousand pesos na ngayon.

Ang nooy 30 thousand pesos naman para sa angioplasty, isang proseso upang maalis ang bara sa mga ugat ay nasa 523 thousand pesos na ang PhilHealth coverage.

Sakaling kailangang ilipat sa mas magandang ospital ang isang heart attack patient ay may ambulance coverage rin ang PhilHealth sa halagang 22 thousand pesos.

Samantala, sa ilalim ng Z-benefit package ng state health insurer ay saklaw rin ang financial support para sa mga kabataang may congenital heart conditions.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble