Benepisyo ng mga atleta mula training hanggang retirement, pinag-aaralan ng PBA Party-list

Benepisyo ng mga atleta mula training hanggang retirement, pinag-aaralan ng PBA Party-list

PINAG-AARALAN ng pwersa ng bayaning atleta o PBA Party-list ang pagbibigay ng benepisyo sa mga atleta mula training hanggang retirement.

Ito ang ibinahagi ni PBA Party-list Representative Atty. Margarita Ignacia Nograles sa panayam ng SMNI News.

Sinabi ni Nograles na isa lang ito sa kanilang pinag-aaralan dahil marami ang batas na dapat ipasa bilang pagpapahalaga sa mga atletang Pinoy.

Samantala, ibinahagi rin ni Nograles na ang mga atletang Pilipino ang pinaka may potensyal sa larangan ng track-and-field.

Dahil dito, ninanais ng PBA Party-list na mabigyang pansin ang track-and-field at magkaroon ito ng national training center.

Kailangan din aniya na pagtuunan at tutukan na ma-develop ang lahat ng sports hangga’t may atletang potensyal sa naturang larangan.

Aniya, walang dapat sini-single out dahil nagmimistula na rin itong diskriminasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter