Benepisyo sa nasawing pulis sa buy-bust ops sa Bataan, tiniyak ng PNP

Benepisyo sa nasawing pulis sa buy-bust ops sa Bataan, tiniyak ng PNP

NAGLULUKSA ang Philippine National Police (PNP) sa pagkawala ng isa nilang tauhan matapos ang law enforcement operation sa Orion, Bataan kahapon.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Redrico Maranan, nasawi si Police Corporal Darnel Alfonso nang atakihin ng suspek na si Mark Anthony Capacia at iba pa niyang kasamahan.

Habang nasugatan sa operasyon sina Police Major Dennis Duran, OIC ng Provincial Intelligence Unit ng Bataan Police Provincial Office at Police Staff Sergeant Glenn Salac.

Kasabay nito, ipinag-utos ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang agarang paglalabas ang kaukulang benepisyo sa pamilya ni Alfonso gayundin ang atensiyong medikal ng 2 nasugatang pulis.

Tiniyak ng PNP, hindi sila matitinag at gagamiting inspirasyon ang kabayanihan ni Alfonso na gumawa ng pinakamataas na sakripisyo habang ginagampanan ang tungkulin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter