Benham Rise bilang protected area, dapat timbangin –Atty. Roque

Benham Rise bilang protected area, dapat timbangin –Atty. Roque

SUPORTADO ni Atty. Harry Roque ang panawagan ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na ideklarang “protected area” ang Philippine Rise (Benham Rise).

Sinabi ni Roque na kung magiging “protected area” ang Benham Rise, hindi na maaaring magsagawa ng gas explorations dito.

Kaugnay nito, sinabi ni Roque na maganda na silipin muna kung may makukuha na langis bilang sariling suplay ng Pilipinas sa Benham Rise.

Dagdag pa ng butihing abogado na sa oil explorations ay may mga makabagong teknolohiya na rin na maaaring gamitin upang maging ligtas pa rin ang kalikasan.

Follow SMNI NEWS in Twitter